Naiinis ako kasi di ka na naman
kumain sa tamang oras
Di ka na naman naligo–sabi mo malamig.
Di ka na naman nag-ayos
ng kwarto, ng kama at ng sarili.
Noodles lang ang kinain mo ngayong araw.
Eh, di ba, nag-noodles ka rin kahapon?
Bukas bumili ka na sa karinderya diyan sa tabi,
huwag noodles ang bilhin mo ha?
Maglaba ka na ng mga damit mo,
gatambak na sila.
Paboritong tahanan ng ipis at daga.
Maglaba ka na, habang may araw pa.
Magsulat ka ng tula
Magaling ka diyan, sayang naman.
Di ba may balak kang gumawa ng libro balang araw?
Magsulat ka; damihan mo ha?
At basahin mo sakin pagbalik ko diyan
Sabay tayong tumawa sa iyong husay at galing.
Sabay tayong manood ng pelikula, serye at iba pa,
habang kumakain ng noodles sa hapunan.
[I made this for Jennie during one of those days that I was at home and she was left at our boarding house in Cebu. Guess I missed her. :D]




Yes, it is!





