Marami ka bang bibigyan ng regalo ngayong Pasko? O kaya, gusto mo ng bagong cellphone na high-tech pero pasok sa budget mo?
Mula sa Nokia, isang magandang ideya panregalo ang mga dual-SIM phone na may modernong disenyo at puno ng practical feature na makakatulong para lagi kang konektado. Ito rin ay mayroong dual-SIM standby capability kaya maari mong magamit nang sabay ang dalawang magkaibang mobile phone account sa iisang device. Piliin mo lamang ang SIM na kailangan mong gamitin kapag ika’y tatawag o magpapadala ng message.
Kung marami kang kaibigan sa iba’t ibang mobile network operator, magugustuhan mo ang Nokia C2-00.
Gamit ang makabagong Easy Swap, maari kang magpalit ng SIM card nang hindi kinakailangang patayin ang iyong phone. Buksan lamang ang SIM card slot sa gilid ng phone at ilagay ang ipapalit na SIM card. Ito rin ay nakakaalala ng hanggang 5 SIM card settings na maari mong i-personalize.
Ang Nokia C2-00 ay nagbibigay rin nang mabilis na internet access sa iyong personal e-mails. Mayroon
din itong built-in camera at media support na hanggang 32 GB.
Para naman sa mahilig mag soundtrip, siguradong patok sa iyo ang Nokia X1-01, isang napaka-stylish na dual SIM phone na may MP3 Player at malakas na battery para sa mas matagal na tutugan at usapan.
Madali mong mapatutugtog ang mga paborito mong kanta sa iyong phone gamit ang Mp3 music player
dedicated keys. Maaari mo ring ayusin ang playlist ayon sa iyong gusto at i-play ito nang malakas gamit
ang loudspeaker ng iyong Nokia X1-01. Ang battery nito ay kayang tumagal hanggang 36 na oras para sa mas mahabang usapan at pakikinig sa music.
Kung ang hanap mo ay simple at walang hassle na komunikasyon, subukan mo ang Nokia 101. Mas maraming kwentuhan at masayang pakikinig sa music ang hatid ng dual SIM phone na ito. Magtext at tumawag sa iyong mga kaibigan at kamag-anak gamit itong classic Nokia phone o ikabit ang Nokia Speaker MD-11 sa iyong Nokia 101 para sa isang kakaibang entertainment.
Tiyak na pasok sa style ng mga fashionista ang Nokia C2-03, isang Touch and Type dual SIM phone na
may slide feature. Gamitin ang keypad para sa paggawa ng documents o email at i-touch ang screen para mag-browse ng music o ma-navigate ang iyong phone.
Ang Nokia C2-03 ay mayroon ding Easy Swap feature tulad ng Nokia C2-00. I-personalize ang limang
magkakaibang SIM card ayon sa iyong gusto. Bigyan ito ng sariling pangalan, ringtone at iba pa.
Higit pa sa magagandang features nitong mga Nokia dual SIM phone ay ang garantiya at after-sales
support ng Nokia. Madali mong mapapahatid ang ano mang concern mo tungkol sa iyong mobile phone
sa mga Nokia Care Center na matatagpuan sa buong Pilipinas.
Gawing mas masaya ang Pasko kasama ang Nokia! Ang Nokia C2-00 ay mabibili sa halagang P2,650, samantalang ang Nokia X1-01 ay P1,840. Ang SRP ng Nokia 101 ay P1,490 at ang Nokia C2-03 ay P4,350.
Nokia
Nikka Abes
Corporate Communications Manager
Tel. + 63917 8590783
Email: nikka.abes@nokia.com
Fuentes Manila
Tina Cabanayan
Tel. 893-9355 / 892-6184 / + 63917 7934362
Email: tinacabanayan@fuentesmanila.com